[Skip Header] Friend Requests Messages Notifications HomeProfile Account(more) [End of Header]

 

Suhestiyon Na Alam Mong Makakatulong!!!!

 

 

Isang magandang araw mga Pinoy Fanboxer's ako po si Aliah Reynales isa sa na-atasang kumatawan sa ating bansa upang mag silbing tagapagsalita at boses nyo na rin.

265 Comments

maraming salamat po

2 months ago

Phillip meron ka bang suhestiyon? Wag kang mahiya ilahad mo...para to sa Pinoy

2 months ago

he he meron na pala ito its okay we can make at least more suggestion boxes better to have more minds

2 months ago

mas marami mas maganda Congresswoman Glo

2 months ago

yes thanks para marami tayong mapagkuhaan ng pwede nating mailahad sa congress meetings

2 months ago

Tama ka Ms Glo.. ^_^

2 months ago

ur right miss glo

2 months ago

Hello Cely2913 Pagud maaari mong ilahad ang mga suhestiyon mo saan mang aspeto at malugod kong ipapa-abot sa kina-uukulan...

2 months ago

Hi Congresswoman Aliah Reynales, bago lang po ako dito.. ang aking concern sa Dashboard pag nag click ako ng blog,sell,my balance and etc.. lumalabas po yung Fanbox terms of service lagi kahit na agree na po ako sa checkbox i have read and agree to fanbox agreement ... thanks .. sana matulungan ako para maka post din po ako ng blog ... salamat ....

2 months ago

Nag submit na po ako ng report sa FanBox tungkol po sa problema nyo sir.

1 month ago

ur right miss glo

2 months ago

Maraming salamat sa pag-REPOST Martina at sis Flor....

2 months ago

Maganda to Congresswoman Aliah...

2 months ago

Salamat Senator Dave...para sa positibong hinaharap ang pangunahing layunin natin dito..

2 months ago

nice idea. hope it will help us. goodluck and thanks for this miss aliah. :)

2 months ago

Hello Angel may mga suhestiyon ka ba... pwede mong e-comments dito open ito para sa lahat ng pinoy.

2 months ago

may mga nagmemessage saken na ilang taon na sila dito sa fanbox pero wala ren sila kinita at na cashout? nadidiscourage tuloy ako baka magexpect at mag effort lang den ako sa wala.

2 months ago

Hello Angel ganto lang ang maippayo ko sayo... kung ang uunahin mong isipin ay ang madisappoint ka base lamang sa sinsabi at haka haka bat hindi subukang alamin ang katotohanan sa maraming paraan at unang una na ang humingi ng malinaw na paliwanag sa Current Coach mo na syang mas makakapag bigay sayo ng TAMANG impormasyon.. at nakasisiguro akong ma-eguguide ka ng tama....Ako ay nagsimula din dito na may alinlangan pero ganto ako nagsimula dit:

Sept 2011 ako nag start dito at june 2012 ang unang CO ko at ang unang 3buwan at ang pangalawang 3buwan na earnings ko ay mas pinili kong e-reinvest muna upang lumago sa halip na ISIPING e-cash out kaagad at ayun na rin sa suhisyon ng SC ko yan ng mga panahon na yun.

2 months ago

ehem..

2 months ago

Stefani...meron ka bang idea or suggestions feel free to share...

2 months ago

wala pa man akong maiisuggest pero happy to know na anjan kayo to represent us to the fanbox management. mabuhay kayo!

2 months ago

Hello Joycelyn maraming salamat sa pagbisita mo sa ating Town Hall...anytime pwede ka nman mag lahad ng suggestions.^_^

2 months ago

Hi, siguro cheaper alternative way sa pagbayad ng fees and charges. Ang mahal ksi sa Western Union pag wala kang paypal/Credit card, mas mahal pa kaysa sa fees.

2 months ago

Tootoong medyo may kamahal nga yang top up via western union pero mas mababa nman ng kaunti kung may Debit card ka (EON UNION BANK or RCBC my wallet or yung Smart money padala)

2 months ago

Hi Ms.Aliah. meron po akong RCBC my wallet. Panu ko po i-add card to?salamat po..

1 month ago

Maraming salamat sa pagbubukas ng pintuan para sa ating mga ka fanbox na pinoy para lahat tayo ay magtulungan para sa ikabubuti ng bawat isa sa atin.

2 months ago

Maraming slamat din Oscar sa pagbisita mo...maari ka ring maglahad ng mungkahi mo sa alin mang aspeto.

2 months ago

( eto po ay nailagay ko na sa suggestion box ni Ms. Glo, ulitin ko nalang po dito)
Suggest ko lng sana para sa mga new sign up members dito sa Fanbox na huwag gawing automatic na mgkaroon agad ng IPL funds sa "My Balance", dapat magpadala muna ang Fanbox Team ng message sa inbox na magtatanong kung gusto ba nila gumamit ng IPL then nakalahad din sa mensahe na iyon or nakalink ang paliwanag kung ano ang IPL, upang maunawaan nila ng lubusan at mgkaroon ng sila ng sapat na panahon upang makapagtanong sa mga members na may karanasan nang gumamit ng IPL halimbawa sa SC nila bago nila gamitin ito o hindi. Dahil naobserbahan ko na ang daming mga nagrereklamo ngayon dito sa Fanbox dahil sa IPL na iyan...thanks..

2 months ago

Hello Ria correct lang kita regarding IPL Activation ha meron tayong mga selection tab (Yes/No) at Agree to Activate your IPL button at pati narin kung gagamitin moang IPL mo as auto Boosting at lahat ng iyan ay binigyan tayo ng pagpipilian at iyan ay malinaw na mapapanood at mapapkinggan mo dito ---> http://www.fanbox.com/VideoCenter/VideoPopup.aspx?video=IzFaok6DpqzwPyZksykBqA2

Ipagpaumanhin mo ngunit ito ay pawang katotohanan lamang mas madalas kc HINDI natin BINABASA ang mga instructions/panuntunan na nkahatag na sa harapan na mismo natin kaya nagkukulang tayo sa mga impormasyon.

2 months ago

hindi nga lahat makaintindi eh...hindi sa hindi binabasa,hindi maintindihan..gaya ko,,mahirap din umintindi..

2 months ago

Kay marapat na magtanong ka sa SC mo Mam Dolls ganda.Para matulungan kang maintindihan

2 months ago

salamat sa ngayon po wala pa naman akong suggestion. :)

2 months ago

Hello Agnes ayos lang yan..pwede kang bumalik dito sis kung meron ka nang maiisip.. salamat sa pagbisita

2 months ago

maganda umaga 1st time to open here okay po pala yan new fan boxes

2 months ago

Hello Alfred..

Welcome sa FanBox... ito yung steps kung paano at saan ka magsisimula.At maari kang magtanong sa Current Success Coach mo para mas maguide ka ng tama:

How to get started
Go to ➛My Dashboard then ➛Start.
http://www.fanbox.com/VideoCenter/Default.aspx?source=topnav

2 months ago

ang isa sa mga suhesitiyon ko na maaaring mabago ay ang (BLOG) EDITOR natin HINDI ka makaayos ng type laging nagbabago... kung i-adapt kaya nila iyong sa WORD style hindi magkakatabingi ang mga INDENTIONS ng paragraph... Book Designer ako kaya nakikita ko itong problemang ito (kung problema nga ba) na nagbabago ng size kapag naipost mo na... imbes na 5 mins lang ang paggawa ng blog mo umaabot ng halos 1 oras mag-ayos lang ng mga fonts ang photos... mmmm... thanks...

2 months ago

Hmm... Noted yan John salamat sa suggestion

2 months ago

hehehe..ako kc khit paling paling, submit ko na..Pero tama si John. Problema ko din yan kng minsan.

2 months ago

i hope nga maayos ito... kapag nagka-categorized sa RIGHT side column kapag umabot ang mga text doon hindi kona mabasa though my scroll bar sa baba e pupunta pa ako doon magbasa lang ng napakahabang litanya (uy earnings din iyon). kung iaangat kaya nila ang scroll bar habang nagbabasa para anytime na gamitin dahil depende nga sa size ng window ng monitor e at least iyong scroll bar e isang dipa lang e na-i-scroll mo left to right at hindi iyong punta ka ba ng ibaba para talagang i-scroll mo at aakyat ka ulit at magbabasa at bababa na naman same at same din ehehehe mmmm... ganun ang experience ko 99 percent sa pagbabasa ng mahahabang text. ehehehehe... thanks cong. aliah sana makarating... sarap pa naman magbasa kung interesado kang basahin ang blog pero kung ganun lagi e mahirap talagang mabasa at magbasa... mmmm... thanks ulit... (kamot ulo...)

2 months ago

pede ba tayong mga pinoy magtulungan sa mga post ng isa't isa?

2 months ago

Philip bro pwede mo nang palitan ng real photo mo yang profile picture mo baka kc mapag kamalan kalang nag spamming suhestiyon lang din


At dyan sa tanong mo It's just a matter of returning the favor kung magilaw kang bumisita/magbasa at maging good commentator sa mga blog/s ng friends/fans mo same lang din ang gaagwin nila..."^_^"

2 months ago

ok thanks sa akin lang naman is to help yun iba sa kanilang mga blogs or to boost their blogs. Di nman masama yun one click di ba sa dami ntin dto.

ok i will change my pics thanks for advice

2 months ago

Oo,,kng minsan kasi, kng sino mga kababayan natin, sila pa ang mapang lamang. Kaya ako,inienjoy ko na lang. If they come to my page,thank you, if not, ok lang din.Ill go to your blog not because you have read mine, but because I went to read your blog kasi interesting..I do it,even to different nationality. Magbabasa ako ng blog mo kahit di mo binabasa ang post ko.

2 months ago

Sakin lang .....dapat updated mga figures nila sa statistics and analytics. Kaya marami nami-mislead ay laging delayed an mga ito. Tulad ngayong March.....hinahanp ko yung matured earnings ko ng Feb 28....wala. Hindi ko mabalanse mga earnings at IPL used dahil kulang mga figures nila.....nagagalit lang ako lalo na hindi pa ko makatikim ng cash out...oo aminin ko na-overspend ako pero hanggang kailan ko matitikman yung mga proofs na sinsabi dito kung hindi makita yung mga stats na gusto kong makita! Isa pa...ipinagkatiwala natin ang handling ng mga posts at ads sa kanila...kung maganda ang kita dapat hind talo ang investment...how come na magkaka negative...ibig sabihin mali pinaglagyan ng investment? Pano kaya yun???

2 months ago

Yung delays ng updates isang reason din kc dyan yung mga new features na nagmmaterialized na galing din sa suggestions ng community,at yung ilang days delay expected din yan kc meron tayong time difference sa kanila ...at kagaya rin nating silang kailangang mag pahinga lalo na pag weekends...At hindi rin nmang biro ang mag asikaso ng isang site na gaya nito na may di birong bilang ng mga miyembro.kaya yung bugs at glitches ay hindi maipapangakong hindi ma-eencounter.

Kung meron kang problem na ma-eencountered like wala kang earnings in a particular days don’t worry dahil the ff day makikita mo rin yun...at maari mo din nmang ipagbigay alam sa Success Coach mo para mas maagap na matulungan ka nya.

Yung ads hindi po ibig sabihin gumawa ka ng ads ay ayos na, kaya meron tayong tintawag na Ads Standard depende parin sa quality ng ina-advertized mogood and quality ads kung baga at sa search terms na ginagamit mo.

At Ang Boosting in IPL ay maliwanag na edinidiscuss ni Mr JC kung paano gumgana at matatagpuan mo to sa Learning Center eclick mo lang ang mga sumusunod:
Sa may Dashboard.under ng Start button at sa baba ng item #1 Welcome to the video center ito ang pamagat “What is Boosting in IPL”

2 months ago

Nice work Aliah Reynales.. sa kagaya qng newbie d2, kung my earning n q kelan q b pede dapat ma cashout ito? ilang buwan para makapag cash out?

2 months ago

Oyie since earnings at bank ang concern mo maari kang makipag ugnayan sa current Success Coach mo... Para maguide ka.

Kung may suhestiyon ka pwede mong ilahad dito.

2 months ago

my only suggestion as of now ms. aliah is...sana babaan ng fanbox ang penalty pag hindi nabayaran on time ang ipl processing fee. mabigat ang patong na $10 lalo sa isang baguhan tulad ko na hindi pa lubos maunawaan kung panu gamitin wisely ang ipl limit. or much better alisin na lang ang penalty, mag charge na lang doble the following month kaya. imagine lahat ng newbies nag join here ang purpose is to earn, tapos hindi pa sya nag earn, magbabayad na agad ng ipl processing fee at pag hindi nabayaran on time, may patong pa na $10 penalty charges. yun lang po sa ngayon ang aking suggestion...

2 months ago

Got your point here Nong.... noted...salamat sa pagbisita...at sa suggestion

2 months ago

agree ako sau N.O. newbies din ako, at di parin ako nakakabayd ng pf ko,na ang due date eh last march 11,tpos my notice ulit ako narecieved, na kpag di ako nakabayad ng march 21, ung pf ko my add na $10,hehehe, kaya sana nga kh8 babaan muna,para naman di mbigat.hehehe

2 months ago

Hello Sa inyo @ Romel at Nong just to update lang sa ngayun wala tayong maaring gawin kundi sumunod sa rules na nakapaloob sa IPL feature na yan.

2 months ago

Listening to one idea is okey,pag marami it's great,mas maraming nagiisip,mas madali ang solusyun

2 months ago

Hello Albert.... may particular suggestion po ba kayo feel free to share po...

2 months ago

My suggestions as follows; For new members, please secure your EON VISA DEBIT CARD from UNIONBANK as soon as possible, to avoid paying penalties for late payment of monthly fees that becomes overdue. Or obtain any bank card that is compatible to PAYPAL, the bank in your area is the one to say so.
Another is give grace period of say 15 days to pay outstanding overdue payment of fees. Funds get mature after 30 days , 60 days and 90 days. Supposing there was not enough funds to cover-up or pay outstanding fees.
To lower the penalty of late payment of fees, specially for newbies. Just like me I am being penalize of paying double for non-payment of over due fees. I am struggling to sort the problem, finally I found the solution is to have a ready EON VISA DEBIT CARD so as to pay the monthly fee.

2 months ago

Great suggestions Victor.... salamat ng marami sa pagbisita.

2 months ago

eon card maintaining balance???

2 months ago

Wala pong maintaining balance na nirerquired ang EON UNION BANK DEBIT CARD.

2 months ago

For my place, where Union bank is not accessible, i prefered to go to RCBC, and i got my visa debit card,o ung ewallet.From there, i can deposit my payment to fanbox..That is, if i have money to deposit. Choose RCBC commercial banking,they go international banking,,dont go to Savings bank kasi d sila nagpprovide ng ewallet dun.

2 months ago

pwede bang mag-suggest, hindi naman po kasi lahat ng tao ay mataas ang pinag-aralan, hindi rin naman lahat ay lubos na naiintindihan ang english, mas maganda po ata i-translate lahat sa tagalog yung mga english dito, gaya ng paano ba makakagawa ng blog, yung lahat po ng HELP at mga video na sample gawan sana ng video na tagalog. ito ay kung pwede lang naman SANA. salamat po.

2 months ago

Hello Jerry,maari kang pumili ng Pinoy Success Coach na makktulong sa iyo upang mas maintindihan mo ng mas mabilis ang mga bagay bagay na malabo at hindi mo lubos na maunawaan sa Video Learning Center maging magiliw ka lang makipagtalastasan sa kanya at pwedeng pwede nman nating gamitin ang ating local dialect sa pakikipag uganayan natin sa kapwa Pinoy

2 months ago

oy,ms superganda, video daw oh,,,cge na,,gawa kna first time filipino para dun sa video center.

2 months ago

Tama yung sinabi ni Jerry,,hindi lahat eh kayang intindihin ang english.Good idea to make a video blog.Kayang kaya mo yun ms aliah...

2 months ago

salamat sa suporta mam dolls

2 months ago

tulong tulong nga eh..lol..ok lang jerry.

2 months ago

mmmm suhestiyon lang sa mga baguhan... na gustong sumabok sa giyera ng pagba-blog. tulad ko ring bago. ang ginawa ko muna ay BINASA NANG BINASA ko ang lahat ng impormasiyon patungkol sa IPL (I'LL PAY LATER) o sa termino ng madjyong ay "MO" ehehehehe.

ang natumbukan ng paningin ko noong nagbabasa ako tungkol sa DI KAAGARANG PAGBAYAD ng PROCESSING FEE (o KAUKULANG BAYAD) sa tama o takdang panahon ay maaaring ikasama ng loob o ikagalit ng mga karamihang baguhan sa site na ito.

IPL sa unang buwan ay 100 pero since member ako dito ng almost 3 years na (in-active for 2 years patingin tingin lang) nang i-activate ko ang IPL ko ay 250 na ang nakalagay...


IPL ko ay $250 at sa kabutihang palad sa pagbabasa ko patungkol sa IPL na paggamit ay HINID KO KAAGAD INUBOS WALA PA ANG ISANG BUWAN. ehehehehehe

kaya ang unang singil sa akin ay $2.16 at binayaran ko sa thru paypal at gamit ang eon na hindi naman ako nagkaproblema.


at smunod na buwan ay naging $500 na IPL ko at ganun ang nangyari may earnings na akong nakikita pero hindi pa gaano kalaki. at HINDI KO ULIT INUBOS ANG IPL KO SA ISANG BUWAN... bale nag-experimento ako kung ano ang mangyayari sa earning ko..

so far nagbayad ako ng $2.64 ulit (dapat i-blog ko na pala ito) sa 500 IPL na hindi ko nagamit lahat... ehehehehe...

at nang magyad ako may $1000 na ako so far ang nagagamit ko pa lang ay wala pang 500 IPL pero almost $4 pa lang mahigit ang nababayaran ko puwera pa ang 15 dollars sa mga ginamit ko sa pagbili para magka power user.

o di ba LAHAT IYON AY GINASTOS KO SA PERA ko WALA AKONG REKLAMO ehehehehehe..

kasi nakikita ko ang 60 DAYS EARNING KO PUMALO NA PAPUTANG JUPITER O PLUTO... so far hindi pa nga iyan ang RUROK NG CASH OUT ko soon pa..

kaya sa mga baguhan na na-e-entice ng matinding EARNINGS, e, HUWAG MSILAW ehehehehe MAGBASA NG MAGBASA NG MAGBASA NG MAGBASA, AT MAGTANONG NG MATANONG NG MAGTANONG NG MAGTANONG..

BLOG COMMUNITY ito hindi ito GET RICH SCHEME, o BINARY o anupa man....

dito sa blog community na ito, ang PATIENCE mo ay masa malayo pa dapat sa PLUTO ehehehehehehehehe


sa mga baguhang katulad ko... (pwede na kaya akong mag-apply ng SC?) ehehehehe ay kaunting renda sa IPL tulad ng PATOTOO ni Riva o Riza INUBOS nya kaagad ang IPL niya in one day kung hindi ako nagkakamali... MALI! ehehehehe...

sabi naman sa video na napanood ko in 3 or 4 months MAGLALABAS KA PA TALAGA NG PERA MO.. or mas maganda kung mababa pa.

so far sana wala kayong natutunan sa munting BLOG na ito... mmm


ito ang SLOGAN ko sa mga baguhan dito: MAGBAYAD NG MAAGA NG PF (sa bulsa mo muna sa baghan) NANG DI MAABALA SA MULTA na MASASADLAK KA NA LALONG MAGING DUKHA (actually revision ko na ito)

MAGBASA! MAGBASA! MAGBASA! MAGTANONG! MAGTANONG! MAGTANONG!

2 months ago

Good input John....

Kung gusto mong mag-apply ng pagiging SC at sa tingin mo alam mo ang lahat ng pasikot sikot at meron kang maillaan na sapat na panahon upang tumugon sa mga katanungan ng mga magigng clients mo makipag ugnayan ka sa current success coach mo at ihanda mo ang iyong sarili sa mahabang pagsusulit at sa mga interviews na magmula sa current SC mo hanggang sa 5 pinakamataas na personnel.

2 months ago

sa ngayon cong. aliah. malabo pa. kasi since graphic artist ako ng malaking imprenta. lagi nila akong kailangan dito. kaya ayaw ko ring mangako sa sarili ko. kaya tutulong na lang ako sa inyo... at least okay na sa akin iyon... siguro kung talagang calling maaaring mangyari pero sa ngayon cong. aliah, e, hindi ko pa kaya. salamat sa pag-imbita mo cong. aliah... okay pa naman ako sa ngayon hayaan mo cong. aliah kapag dumami na tanong ko sisigawa ako dito sa blog na ito nyahahahahahaha!

2 months ago

sir john hindi ko talaga maintindihan, bakit araw araw may lumalabas sa inbox ko sa yahoo mula sa Fanbox na may earnings na ako , na infact i didnt do anything... wala akong paypal o anu pa man... paano nangyari un? at paano ako ako makakapag avail ng paypal? kahit ba anong ecard e pwede gamit na access para sa fanbox . At ano naman ung babayaran?
Please tulungan mo ako i really dont understand what to do?

2 months ago

congresswoman glo, good day po. may nabasa po akong post nyo about paying IPL thru union bank's eon card. d ko na po mahanap yun post ninyong iyon, maaari nyo po bang mapadala sa e mail ko at problemadong problemado ako kung paano mag bayad ng IPL ko at ayaw ko kasi mag karoon or gumamit ng mga credit cards. maraming salamat po

2 months ago

boss winifredo

FANBOX <-----> PAYPAL <-----> EON CARD


kapag may Paypal ka na active at meron ka na ring EON CARD na active

sa EON CARD may 2 or 3 working days kang hihintayin kapag nag-online ka sa union bank para ma-activated ang EON CARD mo wag mainip.

sa PAYPAYL kailangang mag-add ka ng CREDIT/DEBIT CARD mo. sundan mo lang ang sinasabi ng paypal doon sir hindi ka maliligaw another 4 to 5 working days ang hihintayin mo..


HALIMBAWANG NATAPOS NA ANG LAHAT ng activation:

punta ka sa MYDASHBOARD punta ka I'LL PAY LATER BUTTON

punta ka sa MONTHLY PROCESSING FEE kahelera ng "DETAILS" (blue color) at may katabi na corresponding bayad ito

iclick ang DETAILS doon lalabas kung paano ka magbabayad sa PAYPAL ba, FANBOX fund ba o etc kung may earnings ka na.

ngayon kung click mo PAYPAL dadalhin ka niya sa another window sa LEFT SIDE MO FANBOX at RIGHT SIDE MO PAYPAL na naka-uto insert na ang email address mo.

ipasok ang password AND YOU ARE DONE! at magkakaresibo ka sa paypal at sa email mo kung saan nakapasok ang paypal mo.

ganoon lang sir...

hope di nakatulong ito sa iyo sir...

2 months ago

Any ewallet or debit card will do..Just go to the nearest bank who offers debit card/ewallet,,isasign up ka nila,then they will give you the visa debit card na ililink mo sa paypal account mo.So kelangan nga pala,me paypal account ka.It is not necessarilly an eon card from union bank,,kahit saan bsta me debit card,puede ka kumuha.Eh kung walang union bank s lugar nyo gaya dito smin?Sasakay k muna ng bangka bago ka makarating sa union bank? Meron din sa western union,as long na nagooffer sila nun.

2 months ago

mam dolls, nagulat ako sa 2.16 dollars na babayaran ko noong una at sinabi sa Moneygram ba iyon na halos 500 peso ang babayaran ko. gulp! napalunok talaga ako... haya nag EON na lang ako.

doon naman sa kilala ko na debit card na BDO mam di naman niya nagamit iyon kasi nagtanong na rin siya sa bdo mismo e ang sabi unavailable lagi sa di makonek sa paypal. nakita ko mismo mam dolls... mmm...

2 months ago

Dko kc nasubukan ang Western at banco de oro. Pero sinasuggest din kasi ng iba yan. In my case, sa RCBC ako pumunta to get ewallet by visa card..Magkabati ang visa at paypal kaya umubra,lol.

Reply · 0 minutes ago

2 months ago

hello po sa lahat ng Fanboxer, malaking tulong po sa mga bago na tulad ko ang mga usapin dito marami kang mapupulot na ideya at sagot sa aking mga katanungan.sa pamunuan maraming salamat po at ipagpatuloy nyo po ang mabuting gawa.

2 months ago

Hello Maria...salamat sa pagbisita mo at maari ka ring maglahad ng ano mang mungkahi/suhestiyon.

2 months ago

Naku, Ms Aliah superganda, masyadong pinupupog ang forum mo,,sobra kang in demand..

2 months ago

lol'z yan po ang purpose nyan mam Dolls gandang ganda hehe para satin po ang forum na ito... dangan nga lamang at nattabunan ako... sa bagal ng NET ko...

2 months ago

Suhestiyon Na Alam Mong Makakatulong!!!!----> PO ANG LAYUNIN NG TOWN HALL at hindi po mga HINAING NA PATUNGKOL SA BANK DETAILS NATIN...KUNG MAAARI PO LAMANG MAKIPAG-UGNAYAN KAYO SA INYONG MGA CURRENT SUCCESS COACH UPANG MATULUNGN KAYONG MAUNAWAAN MABUTI ANG ALIN MANG MALABO PARA SA INYO...AT MAKABUBUTING MAGPALIT KAYO NG SC NINYO KUNG HINDI KAYO KAYANG SAGUTIN....

MARAMING SALAMAT PO MULI.....


MAGBASA,MAGBASA AT MAGBASA PO TAYO......

2 months ago

Ms Ayhen, ang ibig sbhin ni Ms Aliah, magbasa daw tau,,pag d pa din natin maintindihan, we can ask our SC's since they have the power to monitor our balance.D nya kasi magawa yun,so she is not responsible for that. At any case our SC's cannot give a concrete answer, better change the SC and look for another one if we arent contented..My SC is great,and Ms Aliah knows that,,kahit me mga bagay akong d maintindihan, I know one day,it would be my turn to post my proof of payment from fanbox..Wish ko lang,lolll...

2 months ago

Hello Ayhen,

Suggestion ko lang din sayo why not gawan mo ng sarili mong blog yan at doon mo ilahad ang mga bagay na sa tingin mo ay kailangn mo ng kasagutan..... na magmumula sa FANBOX management mismo .. Processing Fee itself may kinalaman sa BANK Details mo kc yan....

2 months ago

At sa mga inilahad mong detalye dito malinaw na Billing Department na ang nag aasikaso at sumasagot sa iyong mga katanungan na lahat ay patungkol sa Bank mo.

2 months ago

walang anuman Ayhen at maraming salamat din sa pagbisita mo... Maari ka pa ring maglahad ng any suggestion dito at welcome ang kahit sino....

2 months ago

Hello Cong. Aliah thank you sa pag create mo ng ganitong post para lalong maintindihan ng kapwa natin Pinoy ang Fanbox. Binabasa ko ang ibang nagcomment parang hindi naging healthy discussion ang nangyari. Ako ganun din hindi pa rin malinaw sa akin ang ilang bagay sa Fanbox kaya nagpalit ako ng Coach. Si Coach Nap Bayasen ang nakuha ko. Lagi ako nag sesend ng message sa kanya at ganun pa din tuloy tuloy lang ang basa ng pos ni JC at ng ibang blogger. Napakaganda ng ginawa na ito sana lang wag naman personalin ng iba. Gawin nating healthy discussion ito.

2 months ago

Hello Kata

Maraming slamat sa pagbisita at tama yang gingawa mo Basa lang ng Basa at soon mauunawaan mo yan.

2 months ago

Ayaw ko ng ganyang binabasa,nakakasakit ng ulo yan,lol..Joke..sige lang mga kabayan,basa lang ng basa..Soon, itatagalog na ni Ms Aliah at maiintindihan na naten..

2 months ago

Tama po basta kung may mga negative comments wag nyo na lang po pansinin tama lang na magpaliwanag pero kung lumalabis na ang ibang tao siguro mas maganda wag na lang tayo sumagot.Maganda ang hangarin nyo na gumawa ng ganito para maging maliwanag sa kagaya kong bago dito. Kung ako ang bago, dapat nga humble ako sa pagtatanong o kaya may konting pakisuyo man lang hindi kagaya ng iba na nagtatanong na nga akala mo pa kung sino o akala mo sya ang tama.Binabasa ko kasi ang mga comment dahil gusto ko rin matuto.

2 months ago